BULACAN, Philippines — Bagsak kalaboso ang tatlong driver at dalawang konduktor maÂtapos ang mga itong maaktuhang nagsasagawa ng shabu pot session sa loob ng isang pampasaherong bus sa Brgy. Banga, Meycauyan City, Bulacan kahapon.
Kinilala ang mga naÂarestong drug user na sina Brian Arozal, 33; Elmer Cristo, 49; Elwin Andrales, 38; pawang mga bus driver at sina Jessie Gabarda, 47; at Abel Abuya, 34; mga konduktor; pawang nakatira sa terminal ng bus sa nasabing lugar.
Base sa ulat ni Supt. David Poklay dakong alas 4:30 ng hapon ay isang impormante ang nag-report sa pulisya hinggil sa nagaganap na pot session sa loob ng Malanday Metrolink Transport Bus (TWH-948 ) na pansamantalang nakaparada sa bisinidad ng kilalang gasolinahan sa Macarthur Hiway, Brgy. Bañga sa naturang siyudad.
Agad nagresponde ang mga awtoridad at naaktuhan ang mga suspek na sumiÂsinghot ng shabu.
Nasamsam mula sa mga ito ang pitong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.