2 dedo sa kagat ng tuta
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang aabot naman sa 14 ang pinangaÂngambahang sumunod matapos kumalat ang nakamamatay na rabies virus na dulot ng kagat ng tutang naulol sa Barangay Pandan, bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa.
 Unang namatay noong Miyerkules ay ang 17-anyos na si Gian Carlo Acantilado na sinasabing kinagat ng tuta noon Pebrero 2014 subalit hindi ito nagpa anti-rabies vaccine.
 Sumunod na namatay ay si Luis Alcantara, 45, sinasabing nakagat din ng aso kung saan nanghabol pa ng mga residente sa bago namatay noong Huwebes.
 Matatandaan na sa halip magpabakuna ng anti-rabies ay nagpasipsip na lamang ng dugo ang mga biktima sa albularyo.
- Latest