^

Probinsiya

Sulu death toll: 25 Sayyaf patay, 45 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 25 kasapi ng Abu Sayyaf Group at isang sundalo ng Philippine Marines ang napaslang habang 45 naman ang nasugatan kabilang ang kumander ng mga bandido sa patuloy na umaatikabong bakbakan sa kagubatan ng Patikul, Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, kinumpirma ni Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade at Joint  Task Force Sulu, kabilang sa mga nasugatan sa Abu Sayyaf ay si Commander Yasser Igasan.

Gayon pa man, walang namataang hostages na kasama ang Abu Sayyaf habang nagaganap ang bakbakan.

Sa rekord ng militar, si Igasan ang humalili sa da­ting lider ng Abu Sayyaf na si Khadaffy Janjalani na napaslang noong 2006 sa ope­rasyon ng Philippine Marines sa bayan din ng Patikul.

Sa 25 napatay na bandido ay 20 ang nakilala ng militar habang nagtamo rin ang mga kalaban ng 24 sugatan, 16 dito ang natukoy na ang pagkakakilanlan.

Sa panig ng militar , isang enlisted personnel ng Philippine Marines ang napatay habang 21 namang sundalo ang nasugatan, ilan sa mga ito ay inilipad na ng helicopter patungong Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City.

Ang bakbakan ay nag-ugat matapos na makubkob ng tropa ng Philippine Marines ang malaking kampo na nagsisilbing sanayan ng Abu Sayyaf sa Sitio Kanjimao, Brgy. Buhanginan, Patikul, Sulu noong Martes ng  umaga.

Bandang alas-4 naman ng hapon nang tangkaing bawiin ng mga bandido ang kanilang kampo na humantong sa bakbakan kung saan aabot sa 300 rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo matapos na mag-reinforce ang kanilang mga kasamahan mula naman sa mga bayan ng Indanan at Talipao.

 

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CAMP NAVARRO HOSPITAL

COMMANDER YASSER IGASAN

KHADAFFY JANJALANI

MARINE BRIGADE

PATIKUL

PHILIPPINE MARINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with