Mag-asawa niratrat

MANILA, Philippines - Hindi na nagising ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa liblib na bahagi ang Purok Uno, Barangay Motosawa sa bayan ng Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina William Canta-On, 48; at Cilliom Canta-On, 50. Base sa imbestigasyon ng pulisya, magkatabing natutulog ang mag-asawa kasama ang dalawang anak nang pagbabarilin. Himalang nakaligtas ang dalawang anak na kasalukuyang nasa pangangalaga ng pulisya. Narekober sa crime scene ang 20 basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments