Acting COP, nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang tumatayong acting chief of police matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Sta Fe, bayan ng Danao, Bohol kamakalawa ng gabi. Kinilala ang  napaslang na si SPO1 Noel Romagos, 47, may asawa, officer-in-charge ng Danao PNP at nakatira  sa Barangay Cantubod. Nabatid na papauwi na ang biktimang nakamotorsiklo kaangkas ang misis nito nang huminto ito saka bumaba ang ginang para kausapin sandali ang isa nitong kaibigan. Gayon pa man, habang hinihintay ng biktima ang kaniyang misis ay sumulpot ang dalawang armadong salarin na nagtanong pa saka pinutukan ng ilang ulit. Hindi pa nakuntento matapos na bumagsak sa lupa ay nilapitan pa ito saka muling pinagbabaril bago nagsitakas ang gunmen.

Show comments