^

Probinsiya

Kampo ng Sayyaf, nakubkob

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang tropa ng Philippine Marines makaraang makubkob ang malaking kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf sa isinagawang  raid  sa kagubatan ng Sitio Kan Jimao, Patikul, Sulu noong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade, dakong alas-5 ng umaga nang matisod ng kaniyang mga tauhan ang kampo ng Sayyaf kung saan sumiklab ang bakbakan bago nagsitakas ang mga bandido bitbit ang mga sugatan at napaslang na  kadre.

Ang kampo ng mga bandido ay may limang kubo na maaaring pagkasyahan ng 100-katao na may mga bunkers at foxholes.

Nabatid na ang nasabing kampo ay pinagdarausan ng pagsasanay ng mga bandido partikular na sa mga bagong recruits.

Samantala, dito rin isinasagawa ang pag­pplano ng mga bandido kapag may dudukuting mga dayuhan at maging ang mayayamang negosyante habang patuloy naman ang crackdown operations laban sa grupo ng mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF

MARINE BRIGADE

MARTIN PINTO

NABATID

PATIKUL

PHILIPPINE MARINES

SAMANTALA

SITIO KAN JIMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with