NUEVA VIZCAYA , Philippines – Apat-katao ang iniulat na namatay makaraang bumagsak ang eroplanong nagsasagawa ng cloud seeding malapit sa Bagabag airstrip sa Barangay Sta. Lucia, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kahapon.
Sa sketchy report ng pulisya na nakalap kay P/Chief Insp. Chevalier IriÂngan, hepe ng Bagabag PNP, naganap ang insidente bandang alas-2:30 ng hapon.
Kabilang sa mga namatay ay sina Leilani Naga y Grageda, Philip Jubane, piloto; Christopher Evan Borja, at si Melvin C. Simangan na pawang taga-Bureau of Soil Water Management ng Department of Agriculture
Sa inisyal na ulat ni Leonardo Afan ng CAAP Bagabag ang Baron fixed wing light plane na nagmula sa Cauayan City Airport ay inarkila ng SN Aboitiz para magsagawa ng seeding operation malapit sa watershed area ng Isabela-Ifugao provinces nang maganap ang trahedya.
Nabatid na nasa kritikal level na ang tubig ng Magat dam reservoir
Gayon pa man, pinilit ng piloto na mag-landing subaÂlit naganap ang trahedya malapit sa Bagabag airstrip.
Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing eroplano.