LUCENA CITY, Philippines — Isang bangkay ng bagong silang na sanggol ang natagpuan ng isang basurero sa basurahan sa tabi ng highway sa Brgy. Gulang-gulang, kamakalawa ng madaling araw.
Ang nasabing sanggol ay isang lalaki na ayon sa basuÂrerong si Patrick James Fronda ng Brgy. Ibabang Dupay ay inakala niyang manika ng matagpuan niya itong nakalagay sa loob ng isang plastic bag.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng maÂdaling- araw habang sakay ng kanyang pedicab si Fronda ay nakita nito sa harapan ng Lucky 5 Furniture ang isang plastic na kulay puti na nakalagay sa ibabaw ng basurahan.
Dinala na ang labi ng sanggol sa simbahan upang pabendisyunan bago inilibing sa Lucena Old CeÂmetery.