2 drug courier sa selda, tiklo

BULACAN, Philippines - – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang sibilyan makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa tangkang pagpupuslit ng bawal na droga sa Bulacan Provincial Jail sa Malolos City, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Maria Theresa Macaspac, 42, ng Brgy. Pinilagan,Valenzuela City at Gilbert Juan, 35, traysikel drayber at residente ng Barangay Poblacion sa bayan ng Baliwag, Bulacan. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Joel Orduña nasakote ang mga suspek matapos makatanggap ng  impormasyon  ang mga awtoridad kaugnay sa pagpupuslit ng iligal na droga kung saan ang kontak nito sa selda ay isang alyas Bebe na may kasong drug pushing. Nasamsam sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu.

Show comments