MANILA, Philippines - Pinaslang muna ang 68-anyos na bank manager matapos barilin sa loob ng banko bago sinunog ang gusali ng di-kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa bayan ng Ibajay, Aklan kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Ibajay PNP na isinumite sa Camp Crame, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng pulisya na nasusunog ang Ibajay Rural Bank sa Barangay Poblacion
Agad namang rumesÂponde ang pulisya kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at naapula naman ang sunog.
Gayon pa man, natagpuan sa loob ng banko ang duguang katawan ng biktimang si Gabriel Manikan na may mga tama ng bala sa dibdib kaya isinugod sa Ibajay District Hospital pero idineklarang patay.
Nabatid na may nakaÂrinig na mga residente ng dalawang putok ng baril sa loob ng banko at kasunod nito ay napansin na lamang nila na umuusok ang loob nito.
Napag-alaman na sa tuwing umaga ay nakagawian na ng biktima na mag-inspeksyon sa nasabing banko kung saan inuusisa ang mga guwardiyang nakabantay sa pang-umaga ang duty.
Kabilang naman sa sinisilip na anggulo ng mga imbestigador ay pagnanakaw habang patuloy ang pagsisiyasat.