Bus sumalpok sa puno: 14 sugatan

CAMARINES NORTE , Philippines    - Umabot sa 14-katao ang nasu­gatan makaraang sumalpok ang pampasaherong aircon bus sa punungkahoy habang bumubuhos ang ulan sa kahabaan ng Andaya Highway sa bayan ng  Del Gallego, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Naisugod naman sa Ma. Eleazar District Hospital sa bayan ng  Tagkawayan, Quezon ang mga sugatang pasahero ng Cagsawa Bus na sina  Carlos Baloloy, Marilyn Baloloy,  Myrna Ad­riano, Melinda Buenaflor, Mariel Lozano, Reina Nolasco, Joan Rances, Adelaine Rances, Cristina Teodoro, Cisel Carlib, Jovito Orido, Imelda Orido, Roselyn Rañola, at si Helen Buen. Sa imbestigasyon, lumilitaw na patungong Maynila ang pampasaherong bus ni Alejandro Reyes mula sa Tabaco City, Albay nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver pagsapit sa kurbadang highway kung saan tuluyang sumalpok sa punungkahoy sa gilid ng kalsada.

 

Show comments