^

Probinsiya

Dating pastor huli sa pagtutulak ng shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang dating pastor dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Benguet.

Nakilala ang suspek na si Delfin Andiso, 54, ng Windy Hill, Buyagan, La Trinidad, Benguet at dating mangangaral ng Kingdom of Jesus Christ Church.

Nadakip si Andiso matapos bentahan ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA noong Abril 22 sa  Pico, La Trinidad, Benguet bandang 4:30 ng hapon.

Nabawi mula sa suspek ang isang pakete ng shabu, cellphone, P1,000 marked money na ginamit sa transaksyon.

Kabilang si Andiso sa mga targeted drug personalities ng probinsiya, ayon kay PDEA director general Arturo Cacdac Jr.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ABRIL

ANDISO

ARTURO CACDAC JR.

BENGUET

DELFIN ANDISO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

KINGDOM OF JESUS CHRIST CHURCH

LA TRINIDAD

REPUBLIC ACT

WINDY HILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with