100 pamilya sinalanta ng buhawi

MANILA, Philippines - Umaabot sa 100-pamilya ang naapektuhan makaraang manalasa ang malakas na buhawi sa limang komunidad sa General Santos City, South Cotabato, kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga sinalanta ng buhawi ay limang Purok sa Barangay Upper Labay kung saan 27 kabahayan ang nawasak habang 77 naman ang nagtamo ng pinsala. Nabuwal din ang  mga punong kahoy subalit wala namang iniulat na namatay at nasugatan sa insidente. Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng General Santos City ng 100 food packs para sa pamilya ng mga naapektuhang.

Show comments