LPA magpapaulan sa Samar at Bicol

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglapit ng low pressure area sa bansa, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang sama ng panahon sa 510 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Dagdag ng PAGASA na wala pang direktang epekto ang LPA, ngunit bukas ay uulanin ang probinsiya ng Samar at ang Bicol Region.

Makararanas ng maulap na kalangitan ang Samar at Bicol na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may kulog at kidlat.

Kung sakaling maging ganap na bagyo ang sama ng panahon ay pangangalanan itong “Ester” ang panlimang bagyo ngayong 2014.

Show comments