Mag-ama pinabulagta

NORTH COTABATO, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-ama sa naganap na panibagong karahasan sa Sitio Cueva, Barangay Pisan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Randy Tero, 27, magsasaka; at Jefrel Tero, 2, kapwa residente ng nasabing bayan. Samantala, arestado naman ang mga suspek na sina Tony Etom at Julito Lugisan na kapwa­ nakatira rin sa nabanggit na barangay.

Base sa police report, magkakatabing natutulog ang pamilya Tero nang magising ang misis ni Randy na si Judith dahil sa mga yapak sa labas ng kanilang bahay.

Nang silipin si Judith, nakita nitong may nagsisiga sa kanilang bakuran kaya lumalabas ito.

Mabilis namang tumakbo ang mga suspek papunta sa likurang bahagi ng bahay saka nagpaputok ng baril.

Kaagad na pumasok ng bahay ang misis kung saan tumambad ang kanyang mag-ama na duguan ma­tapos na tamaan ng bala ng baril.

Agad namang nasakote ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation matapos ituro ni Judith.

Show comments