LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - - Lima katao kabilang ang isang paslit ang nasawi habang pito pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na sumalpok ang sinasakÂyang pampasaherong bus sa isang truck na nakaparada sa tabi ng kalsada na puno ng scrap metal sa Maharlika Highway, Barangay Bikal, Libmanan, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot pang buhay sa Libmanan District Hospital ang mga biktimang sina Alexander Belen, nasa hustong gulang ng Albay; Jayson Purita 23, binata ng San Miguel, Tabaco City; Cindy Garcia, 17, dalaga ng Concepcion, Marikina City, at ang mag-amang sina Arneli Dacullo, nasa hustong gulang, may asawa at Mark Kiven Dacullo, 2, taong gulang at pawang residente ng San Jose, Del Monte, Bulacan.
Kasalukuyang inoobserbahan ang pitong sugatan sa nasabi ring pagamutan na sina Jeric Buelia ng BaÂcacay, Albay; Pamela Brozo, 33, ng Ifugao ProÂvince; Dennis Brozo ,37, ng MandaluÂyong City; Pablo Dacullo ng San Jose Del Monte, Bulacan; Alicia Frimesta, 51, ng Concepcion, Marikina City; Vicente Magdaraog, 55, ng Barangay Calzada, Taguig City at Michael Ochoa ng Caloocan City.
Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling-araw habang ang sinasakyan ng mga biktima na Bragais Bus Liner na may plate no. EVP - 126 at Body No. 1007 na minamaneho ni Joey Bermas 42 ng Mariroc, Tabaco City nang salpukin ang likurang bahagi ng isang truck na plakang TGC-353 na pag -aari ng Pacific Royal Basic Foods Inc. ng Pasong Tamo, Makati. Nakaparada ang nasabing truck sa tabi ng kalsada na puno ng metal scrap matapos itong masiraan.
Nabatid na karamihan sa mga nasawi ay mga bakasyunista na may mga kaanak sa Kabikulan.
Ang nasabing bus ay galing pa sa Metro Manila na umalis ito sa terminal kamakalawa ng gabi patuÂngong Tabaco City.
Mabilis umano ang takbo ng bus nang hindi napansin at natantya ng driver ang truck na nakaparada sa tabi ng kalsada sanhi upang maÂtinding bumangga sa nabanggit na truck. Sa lakas ng impak, nawasak ang unahang bahagi ng dahil sa lakas ng pagsalpok nito.
Nagsasagawa pa ng imÂbestigasyon ang pulisya sa insidente habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries laban sa driver ng bus.