5 patay sa bus vs trak sa Cam Sur

MANILA, Philippines – Limang katao ang patay, kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata, habang 15 ang sugatan sa salpukan ng pampasaherong bus at 10-wheeler truck sa Camarines Sur ngayong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng DZMM, nakilala ang mga nasawing sina Alexander Belen ng Bagacay, Albay; Arneli Darcullo at anak niyang si Kevin ng San Jose del Monte, Bulacan; Jason Purita ng San Miguel, Tabaco,  Albay; at Cindy Garcia ng Concepcion, Marikina City.

Dinala naman sa Bicol Medical Center ang mga sugatang pasahero.

Base sa pangunang imbestigasyon binangga ng Bragais bus na biyaheng Naga City ang nasiraang trak sa kahabaan ng national road ng Barangay Bigcal, Libmanan Camarines Sur bandang alas-4 ng umaga.

Napag-alamanang walang early warning device ang nakatigil na trak.

Show comments