Pranses swak sa bangin, utas
CAVITE, Philippines - Patay ang 76-anyos na Pranses matapos itong mahulog sa malalim na bangin habang umiihi sa gilid ng isang subdibisyon sa Trece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Juan Linares Bullos, mag asawa, ng Barangay Gregorio sa nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng kanyang bahay ang biktima para mag-jogging kasama ang alagang aso nang pansamantalang umihi sa gilid ng malalim na bangin sa nasabing lugar. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas ito sa madamong bahagi ng subdivision kung saan nahulog sa may 90 talampakang lalim na bangin.
- Latest