MANILA, Philippines – Hindi bababa sa P14 milyong halaga ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa tatlong araw na operasyon sa Benguet.
Nagsagawa ng eradication operation ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police noong Abril 8 hanggang 10 sa mga Sitio ng Leyeng, Bagiw, Gingaw, Bitu at Lingey sa Barangay Tacadang, at sa mga Sitio ng Balbalnag, Teb-teb, Batuan, Tataan and Lucoc sa Barangay Badeo ng Kibungan, Benguet.
Tinatayang nasa 8,660 square meters ang lawak ng lupaing sinuyod ng mga awtoridad.
Nakumpiska sa operasyong tinawag na “OPLAN: Golden Green Bush†ang 69,250 halaman ng marijuana, 2,000 marijuana seedlings, 3,000 gramo ng marijuana seeds at 9,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P14.68 milyon.
Samantala, 18,000 halaman naman ng marijuana ang sinira ng PDEA Regional Office 7 nitong Abril 11 sa Barangay Bayong, Balamban sa Cebu.