^

Probinsiya

P14M halaga ng marijuana sinira sa Benguet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa P14 milyong halaga ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa tatlong araw na operasyon sa Benguet.

Nagsagawa ng eradication operation ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at  Philippine National Police noong Abril 8 hanggang 10 sa mga Sitio ng Leyeng, Bagiw, Gingaw, Bitu at Lingey sa Barangay Tacadang, at sa mga Sitio ng Balbalnag, Teb-teb, Batuan, Tataan and Lucoc sa Barangay Badeo ng Kibungan, Benguet.

Tinatayang nasa 8,660 square meters ang lawak ng lupaing sinuyod ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa operasyong tinawag na “OPLAN: Golden Green Bush” ang 69,250 halaman ng marijuana, 2,000 marijuana seedlings, 3,000 gramo ng marijuana seeds at 9,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P14.68 milyon.

Samantala, 18,000 halaman naman ng marijuana ang sinira ng PDEA Regional Office 7 nitong Abril 11 sa Barangay Bayong, Balamban sa Cebu.

vuukle comment

ABRIL

BAGIW

BARANGAY BADEO

BARANGAY BAYONG

BARANGAY TACADANG

BENGUET

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GOLDEN GREEN BUSH

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL OFFICE

TATAAN AND LUCOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with