Kolektor utas sa panonood ng laban ni Pacman

File Photo

MANILA, Philippines - Bulagta ang 64-anyos na market collector matapos itong atakehin sa puso habang nanonood ng laban ni boxing icon at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao laban sa undefeated American boxer Timothy Ray Bradley Jr. kamakalawa sa gymnasium ng E.B. Magalona, Negros Occidental.

Nabigong masagip ang buhay ng biyudong ni Charito Lorio sa Teresita Jalandoni Provincial Hospital.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, nanonood sa undercard match sa boxing bout nina Pacman vs Bradley ang biktima sa free viewing sa Wilkinson Gymnasium nang mamutla at pagpawisan ito.

Ayon sa pahayag ng anak na si Cyrus, nagulat na lamang siya nang biglang matumba mula kinauupuang silya ang biktima.

Nabatid na labis ang kagalakan ng matanda nang magtungo sa gymnasium upang mapanood ang laban ng pambansang kamao kay Bradley.

Bago ang insidente ay nag-jogging pa ang biktima, naligo saka maagang nagtungo sa gymnasium para manood ng boxing.

 

Show comments