TUGUEGARAO CITY, Philippines – Umaabot sa mahigit P14 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam at sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya kasunod ng isinagawang raid “OPLAN Golden Green Bush†sa iba’t ibang plantasyon sa bulubunduking bayan ng Kibungan, Benguet kamakalawa. Sinabi ni Emily Fama, Regional Chief of Staff ng PDEA-Cordillera Administrative Region na mahigit 70 puno ng marijuana, 2,000 binhi, 9 kilo ng pinatuyong dahon at tatlong kilo ng buto ng marijuana ang kabuuang nasamsam ng kanilang operatiba sa 21 plantation sites na may kabuuang 8,660 metriko kuwadrado ang lawak sa Sitio Leyeng, Bagiw, Gingaw, Bitu at Lingey sa Brgy. Tacadang at sa Sitio Balbalnag, Teb-teb, Batuan, Tataan at Lucoc sa Brgy. Badeo ng munisipyo ng Kibungan, Benguet.
Walang naarestong cultivator o anumang personalidad ang mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication operation.