^

Probinsiya

2 holdaper tiklo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang dalawa sa tatlong notoryus na mga holdaper na responsable sa serye ng panghoholdap sa lalawigan makaraan ang mga itong masakote sa checkpoint sa  Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Hindi na nakapalag pa sa mga nakapaligid na pulisya nang sitahin ang mga suspek na sina Ranel Lacita, 27; at Raymark Caguite, 18; kapwa residente ng NHB, Brgy. Tigbe sa Norzagaray habang nakatakas naman ang isa pang kasabwat nila na si Ronan Gabriel na nakilala base sa rouge gallery ng pulisya.

Base sa ulat ni Bulacan Provincial Director P/Sr.Supt. Joel Orduña mula kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, dakong alas-5:30 ng hapon habang nagsasagawa ng police checkpoint si P/Insp. Romeo de Guzman sa bahagi ng Brgy. Poblacion nang dumaan ang dalawang suspek  lulan ng motorsiklong Yamaha MIO ( 7050-XR ) na walang suot na helmet na naging dahilan upang pa­hintuin ang mga ito.

Habang iniinspeksyon ay dito na natagpuan sa kanilang mga bag ang isang  cal. 45 revolver at isang .38 revolver.

Samantala, habang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya ay nadiskubreng ang mga ito ang nasa likod ng serye ng holdapan sa Bulacan.

 

vuukle comment

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL DIRECTOR P

JOEL ORDU

RANEL LACITA

RAYMARK CAGUITE

RODOLFO HERNANDEZ

RONAN GABRIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with