MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang mining company saka sinunog ang 21 heavy equiptments at sasakyan sa naganap na karahasan sa bayan ng Maco, Compostela Valley noong Huwebes ng hapon. Ayon kay Captain Ernest Carolina, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, bandang alas-2:30 ng hapon nang salakayin ang motorpool ng Apex Mining Company sa Barangay Masara. Agad binuhusan ng gasolina saka sinindihan ng mga rebelde ang mga heavy equiptments na kinabibilangan ng drilling, cement mixer backhoe, pay loader at iba pa gayundin ang boom truck, truck at Hi-Lux pick-up. Kaagad namang nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Brgy. New Leyte ng nasabing bayan. Pinaniniwalaang extortion ang isa sa motibo ng mga rebelde.