Bagong laya, itinumba

SULTAN KUDARAT, Philippines - – Napatay ang 29-anyos na bagong laya mula sa kulu­ngan matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Purok Sampaguita, Barangay New Isabela sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa. Sa police report, lumilitaw na si Alfredo Fabro ay ilang araw pa lamang nakalabas sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw nang makasalubong si kamatayan habang papauwi. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments