Kambal na magsasaka, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang kambal na magsasaka matapos ratratin ng maskaradong lalaki sa loob ng kanilang kubo sa  Barangay Catangraran, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa. 
Kinilala ni P/Senior Inspector Denver Alidao, hepe ng Solsona PNP ang kambal na sina Nestor Tagapuen, 54; at Rodolfo Tagapuen.
 Lumalabas sa imbestigasyon na magkasabay na nanghalian ang dalawa sa loob ng kubo sa gitna ng kanilang palayan nang lapitan at pagbabarilin ng maskaradong lalaki. Pinaniniwalaang alitan sa patubig sa palayan ang isa sa motibo kaya pinatay ang mag-utol.

Show comments