Bisor ng electric firm, itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang bisor ng  electric company matapos  pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na pananambang sa kahabaan ng highway sa Barangay Switch, bayan ng Ramon Magsaysay sa Zamboanga del Sur kamakalawa. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Genifer Llanes, 41, may asawa, officer-in-charge at supervisor ng Zamsureco 1 at residente sa Barangay Tuno, bayan ng Don Victoriano, Misamis Oriental. Sa ulat ni P/Senior Inspector Joseph Ortega na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na lulan ng  motorsiklo ang biktimang patungo sa substation para mag-inspeksyon nang harangin at ratratin bandang alas- 7:13 ng umaga pagsapit sa bahagi ng Purok 2 sa nasabing barangay. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments