Lolong Briton timbog sa pangmomolestya

MANILA, Philippines –  Tatlong menor de edad ang minolestya umano ng isang Briton sa loob ng kanyang bahay sa Cebu, ayon sa mga pulis ngayong Martes.

Nakilala ang suspek na si Stanley James Lamb, 73, ng Camagayan, Barangay Perrelos.

Nasakote si Lamb ng Carcar City police kahapon bandang alas-10 ng umaga.

PInaghihipuan umano ni Lamb ang mga pribadong parte ng mga bata matapos niyang ayain ang mga biktima sa loob ng kanyang bahay.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Carcar City police station si Lamb at nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.

Show comments