Magkaibigan dedo sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang magkaibigan matapos pagbabarilin ng riding-in tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Daquioa, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, hepe ng Marcos PNP ang mga namatay na sina William Benavidez, 29; at Antonino Baltazar, 28, na kapwa nakatira sa Barangay Barikir, bayan ng Nueva Era, Ilocos Norte.
 Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar. Duguang nahulog mula sa motorsiklo ang backrider na si Buenavidez bago sinundan ng tandem si Baltazar sa bahagi ng Sitio Aguinaldo kung saan pinagbabaril sa harap ng maraming tao. Patay na ang mga biktima nang isugod sa pagamutan habang patuloy naman ang pagsisiyasat. 


Show comments