Napanaginipang numero nanalo sa lotto

MANILA, Philippines – Tila nagkakatotoo ang panaginip ng isang residente ng Pampanga matapos tumaya sa lotto at manalo gamit ang mga napanaginipang numero.

Umabot sa P63 milyon ang napanalunan ng negosyante sa Super Lotto nitong Abril 1.

Personal na kinuha ng 32-anyos na winner ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City nitong Biyernes.

Tinayaan ng negosyante ang mga numerong 09-13-17-20-22-29.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ay gagamitin ng negosyante ang pera upang mapalawak pa ang negosyo.

Dagdag niya na napanaginipan lamang ng negosyante ang numero at itinaya ito.

Show comments