5 bangkay natagpuan sa Baguio apartment

MANILA, Philippines – Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng limang biktima na natagpuan sa loob ng isang inuupahang apartment sa lungsod ng Baguio kahapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Dave de Guzman, 7; Raymond Delmendo, 8; Joey Nociete Jr., 9; Jacquelyn Nociete, 19; at Jonalyn Lozano, 32.

Natagpuan ang mga bangkay sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa kalye ng Kayang.

Ayon sa ina ng dalawang biktima na si Vilma Nociete, nakatanggap siya ng isang text message mula sa kanyang anak na may dumaang bisita bandang alas-4 ng hapon.

Dagdag niya na kakilala raw ng ama ng mga biktimang Nociete ang bisita, ayon pa sa mensahe.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Show comments