2 wanted arestado

CAMARINES NORTE , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang most wanted person matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay San Vicente, bayan ng Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Antonio Ayo ng Naga City Regional Trial Court Branch 62 sa Camarines Sur, dinakma ang mga suspek na sina Erwin Luz, 41, ng Zone 3, Barangay Alimbuyog; at Joseph Caceres, 41, ng Zone 7, Barangay Borongborongan sa nasabing bayan. Sa Tala ng pulisya, ang dalawa ay kapwa may kasong rape noong Marso 7, 2014 at walang piyansang inirekomenda.

Show comments