Rapist tiklo sa selfie photo sa FB

MANILA, Philippines - Nagsilbing susi sa pagkakadakip sa wanted na rapist ng ang hilig nitong mag-post ng selfie photo sa networking site na facebook matapos itong matunton ng mga awtoridad sa inilatag na operations sa Bogo City, Cebu kamakalawa.

Sa ulat ng Cebu PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Niño Cuevas, 20, habal-habal driver na sinasabing dalawang taong nagtago sa batas.

Si Cuevas na kabilang sa most wanted sa Cebu kaugnay ng kasong pagdukot at panggagahasa sa dalagitang high school student ay naresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas Judge Rafael Yrastorza noong 2012.

Base sa report ni P/Senior Inspector Romel Luga, natunton ang kinaroroonan ni Cuevas matapos matukoy ang background nito na malaking rebulto ng dambana ng Our Lady of the Miraculous Medal sa Bogo City na ginamit nitong background.

Nabatid na noong  May 2012 ay naging pasahero ng suspek ang biktimang estudyante na pauwi na sana pero sa halip na iuwi ay sapilitang dinala nito sa liblib na lugar sa Mandaue City kung saan hinalay.

Show comments