Bike vs bike: 2 dedo

BULACAN, Philippines - – Patay ang dalawang drayber habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos na  magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Tibagan, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina John Alexis Reyes, 19, ng Brgy. Sta. Rita-Bata at Dennis Guillermo, 24, ng Brgy. San Jose habang ginagamot naman sa San Miguel District Hospital ang mga sugatang sina Ivy Flores ng Brgy. Tibagan at Joseph Dela Cruz, 24, ng Brgy.San Jose. Sa imbestigasyon ni PO2 Merwin Mendez, nagsalpukan ang mga motorsiklo nina Reyes at Flores sa madilim na bahagi ng nasabing lugar kung saan malubha naman sina Dela Cruz at Flores.

Show comments