MANILA, Philippines – Aabot sa P4.2 milyong halaga ng mga pekeng JanSport bags ang nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon sa Mariveles, Bataan.
Aabot sa 1,801 na pekeng JanSport bags ang nabawi ng Intellectual Property Rights Division ng National Bureau of Investigation, daawang rolyo ng JanSport inner labels, 4,508 piraso ng hand tags and labels, 25 strap, at pitong sewing machines.
Isinagawa ng NBI ang kanilang operasyon na may basbas ni Judge Lyliha Abella-Aquino ng Manila Trial Court Branch 24 na naglabas ng search warrant.
Nasakote sa operasyon sina Andy Manansala at Mel Manansala ng Barangay Camaya, Zone 3, Mariveles, Bataan; Caesar Angeles at Evelyn Tividad ng Barangay Ipag, Mariveles; Candy Pangilinan ng Barangay Ipag, Mariveles; at Arman at Mercy Gusoso, Barangay Balon-Anito, Mariveles.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong trademark infringement sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines.