Principal dinukot sa Basilan

MANILA, Philippines – Isang school principal ang tinangay ng armadong kalalakihan sa Basilan ngayong Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Benita Enriquez Latonio, 60, residente ng Barangay Talisay, Zamboanga City at punong-guro sa Manggal Elementary School.

Lulan ng isang pampasaherong jeep si Latonio at iba pang guro patungong Isabela City nang harangin ng limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf bandang 6:20 ng umaga.

Tanging ang punong-guro lamang ang dinukot ng armadong grupo na pinaniniwalaang tauhan ni Juhaibil Alamsirul alyas Abu Kik.

Naihatid na naman pabalik sa bayan ng Sumusip ang mga nakaligtas na guro.

Nagsagawa na ng follow up operations ang mga awtoridad upang mailigtas ang biktima.

Show comments