TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nasakote ang isang 52-anyos na negosyanteng Chinese national matapos nitong takbuhan ang P9.4 milyon na bayarin sa tinuluyang Hotel-Casino sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Complex sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. 

Sa ulat kay Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Miguel Laurel; kinilala ang dinakip na si Li San Ting, tubong Shanxi, China.

Sa imbestigasyon, dumaÂting at nanuluyan si Li sa Eastern Hawaii Leisure Company Ltd. mula Hulyo 31, 2013 hanggang Marso 25, 2014 at umabot ang bayarin sa halagang P9.4 milyon. 

Nadakip ng mga kasapi ng security ng Hotel-Casino ang suspek habang nag-aabang ng masasakyang bus patakas ng Sta. Ana, Brgy. Rapuli. halos mamuti ang mata ng suspek sa pag-aantay ng bus dahil sa walang kaalam alam na ang tanging bus na pumapasok sa bayan ay nasuspinde ng LTFRB ng anim na buwan sa pagkakasangkot sa sakuna sa Bontoc na ikinamatay ng 14 katao. 
Nakapiit na sa Bureau of Jail Management and PeÂnology sa Aparri ang nasabing Tsino matapos itong mabigong piyansahan ang sarili sa halagang P60,000 sa kasong estafa.