^

Probinsiya

Inspector binoga ng shotgun, patay!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang inspector ng secu­rity agency ang nasawi habang dalawa pang security guard ang sugatan makaraang barilin ng sinitang lasing na kap­wa guwardya ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company sa Bauang, La Union kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Dacumos, 44, ng Brgy. Lingsat, San Fernando City, La Union.

Isinugod naman sa  Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fer­nando City ang dalawa pang guwardiya na nasugatan sa pamamaril ng suspek na nakilala namang si Lorenzo Buccat.

Sa ulat ni La Union Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Alexander Rafael, naganap ang insidente sa tanggapan ng PLDT sa Brgy. Bacuit Sur, Bauang  dakong alas-12 ng hatinggabi.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng ‘surprise ins­pection’ si Dacumos sa kanilang mga guwardiya na nagbabantay sa PLDT office sa lugar at dito’y huling huli nito na natutulog dahilan sa kalasingan si Buccat.

Ginising nito si Buccat at sinermunan na nauwi sa mainitang pagtatalo bunsod upang mairita ang suspek na bigla na lamang pinaputok ang shotgun na sumapul sa ulo ng inspector na siya nitong ikinamatay.

Samantalang minalas namang masugatan ang dalawa pa nitong kasamahang guwardiya matapos na paputukan din.

Inaresto naman ng mga nagrespondeng awtoridad  ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal. Joy Cantos/Raymund Catindig

ALEXANDER RAFAEL

BACUIT SUR

BAUANG

BRGY

BUCCAT

DIRECTOR P

EMMANUEL DACUMOS

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with