MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang 51-anyos na pastor matapos itong ireklamo ng isang miyembro ng sekta ng kanilang relihiyon sa kasong act of lasciviousness sa Barangay Washington, Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng police regional office, ang suspek na si Pastor Simeon Rojo ng Charismatic Gospel Assembly Church at nakatira sa Barangay San Jose, bayan ng Del Carmen sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Gamba, si Rojo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dan Calderon ng Regional Trial Court Branch 32 sa kasong acts of lasciviousness.
Ang nasabing pastor ay inireklamo ng isang miyembro ng kanilang relihiyon na itinago sa pangalang Nena na sinasabing minolestiya nito matapos na hipuan sa maselang bahagi ng katawan.
Gayon pa man, pansamantalang nakalaya si Rojo matapos itong makapagpiyansa ng P.2 milyon.
Samantala, determinado naman ang pamilya ng biktima na isulong ang kaso laban sa suspek.