^

Probinsiya

3 pulis sibak sa hulidap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon sa puwesto ang tatlong pulis ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) ng South Cotabato matapos masangkot sa hindi awtorisadong raid sa illegal gambling den na kinotongan pa ang operator sa Koronadal City, South Cotabato.

Kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong ang mga sinibak na sina  SPO3 Gerry Templonuevo, PO3 Pablo Jugos at si PO3 Apollo Alberto Ilao.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Magalong na ang tat­long CIDT operatives ay nasangkot sa illegal na raid sa illegal gambling den sa Koronadal City noong Marso 25 nang walang search warrant.

Hindi rin alam ng kani­lang superior ang isinagawang raid ng kanilang tatlong tauhan.

Samantala, hindi rin dinala sa himpilan ng CIDT South Cotabato ng tatlo ang naaresto ng mga itong illegal gambling den operator na umano’y dinala sa isang lugar at sinasabing kinotongan ng malaking halaga kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.

Nang mabatid ang insidente ayon kay Magalong ay agad nagpalabas ng administrative relief order si P/Senior Inspector Jesson Mocnangan kahapon ng umaga laban sa tatlo.

Isasalang din sa masusing imbestigasyon sa kasong administratibo at kriminal ang tatlong tiwaling pulis sa  regional office ng CIDG.

APOLLO ALBERTO ILAO

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

DIRECTOR P

GERRY TEMPLONUEVO

KORONADAL CITY

MAGALONG

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with