TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Umaabot sa 10,000 manok ang natusta matapos masunog ang malawak na poultry farm sa Barangay Mangayang, bayan ng Dupax de Sur, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hatinggabi. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Elmer Vicente Kildo, nagsimula ang sunog mula sa mga nagbabagang alipato mula sa kabundukan kung saan inilipad ng hangin sa poultry farm na pag-aari ni Hendredson Alvarez. Ayon kay Kildo, mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang istraktura ng poultry farm kung saan naapula naman ang apoy matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Bambang at Aritao. Wala namang naulat na nasaktan sa insidente kung saan aabot sa P15 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.