LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Kasalukuyang nakikipagÂbuno kay kamatayan ang mag-asawa matapos itong pagtatagain ng sariling anak na sinasabing adik sa bawal na droga sa BaÂrangay Villa Socorro, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Nasa intensive care unit sa Libmanan District Hospital ang mag-asawang MaÂtias Tordelia, 49; at Liba Tordelia 48, habang naaresto naman ang suspek na si Jico Tordelia, 20, pawang nakaÂtira sa naÂsabing barangay.
Sa inisyal na ulat ng puÂlisya, sinermunan ng ama ang kanyang anak na sinaÂsabing senglot matapos itong umuwi ng madaling-araw.
Gayon pa man, nanlisik ang mga mata ng suspek sa kanyang ama saka kinuha ang matalim na itak mula sa kusina ng kanilang bahay at isinagawa ang pananaga.
Namataan naman ng nanay ang ginawa ng suspek kaya sumaklolo ito suÂbalit maging siya ay pinagtataga.
Lango pa sa bawal na droga at alak nang arestuÂhin ng mga barangay tanod ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulisya.