^

Probinsiya

Kilabot na tulak sa Mindoro timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiklo sa buy-bust operation ang isang hinihinalang pinuno ng isang drug group sa Oriental Mindoro, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Raul Barcelona, 48, na residente ng Barangay Lumangbayan sa lungsod ng Calapan.

Nakorner si Barcelona matapos bentahan ng dalawang pekete ng shabu ang isang undercover agent sa Barangay Lumangbayan bandang alas-10 ng umaga nitong kamakalawa.

Nitong Marso lamang din ay isang tauhan ni Barcelona ang nasakote na nakilalang si Vincent Corrabels, 27.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa kustodiya na ng PDEA Regional Office 4-B jail facility si Barcelona.

 

BARANGAY LUMANGBAYAN

CALAPAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

HUWEBES

NITONG MARSO

ORIENTAL MINDORO

RAUL BARCELONA

REGIONAL OFFICE

REPUBLIC ACT

VINCENT CORRABELS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with