Guro pinabulagta

MANILA, Philippines - Patay ang isang guro matapos itong pagbabarilin ng nag-iisang armadong lalaki kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng highway sa bayan ng Siay, Zamboanga Sibugay. Kinilala ang biktima na si Rowena Abubakar, titser sa Department of Education (DepEd) at residente sa nasabing barangay. Sa ulat ni  P/Inspector Dahlan Tidal Samuddin na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng hapon kung saan patungo sa Barangay Poblacion ang biktima kasama ang dalawa nitong kaibigan lulan ng motorsiklo. Hinarang ang motorsiklo ng biktima saka pinagbabaril ng malapitan kung saan nahulog sa sinasakyan nito.

Show comments