MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos magsisuko sa tropa ng pamahalaan ng 48 nitong kadre sa bayan ang Maramag, Bukidnon, ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni Philippine Army Spokesman Lt. Col. Noel Detoyato, mga rebeldeng mula NPA’s Guerilla Front 6 sa North Central Mindanao Regional Committee ang mga sumuko.
Una ng napilayan ang liderato ng CPP-NPA sa pagkakaaresto ng mag-asawang mataas na lider na sina Benito at Wilma Tiamzon sa Cebu noong Marso 22.
Ayon sa opisyal, ilang araw matapos na masakote ang mag-asawang Tiamzon ay nagdesisyong sumuko sa tropa ng militar ang unang batch ng mga rebelde na nasa 43 ang bilang sa Bukidnon.
Kasabay nito ay boluntaryo ring isinuko ang kanilang 36 armas na kinabibilangan ng M14 rifles, M16 rifles, Garand rifles, cal.45 pistol at home-made shotgun.
Maliban sa 43 rebeldeng sumuko, lima pang rebelde ang pinakabagong sumuko sa lugar kamakalawa.
Sa kasalukuyan ay umaÂabot na sa 48 rebelde ang isinailalim sa kustodya ng Army’s 8th Infantry Battalion sa South Poblacion, Maramag.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang ang opeÂrasyon para madakip ang mga rebelde habang nananawagan din ito na magsibaba na sa kabundukan at sumuko sa batas.