BATANGAS, Philippines - – SinaluÂbong ni kamatayan ang 58-anyos na manager ng assembly plant ng Atlantic Gulf and Pacific Company (AG&P) matapos tambaÂngan ng riding-in-tandem gunmen sa bayan ng Bauan, Batangas kamaÂkalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Chief Insp. Telesforo Domingo III, hepe ng Bauan PNP ang napaslang na si Epher Victorio ng Barangay San Roque sa nasabing bayan.
Nabatid na papasok na sa planta si Victorio sakay ng van nang tambangan ng tandem sa kahabaan ng highway sa Barangay San Roque bandang ala-1:50 ng hapon.
Isinugod pa sa Bauan Doctors Hospital ang biktima pero namatay din matapos ang ilang oras sa operating room.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Samantala, makalipas ng isang oras, naaresto naman ang dalawang suspek na sina Armando Libres Jr., 39, ng Philippine Army; at Gerry Topangil, 48, kapwa nakatira sa Barangay Baguilawa sa nasabing bayan.
Nasamsam sa dalawa ang isang cal. 45 pistol, siyam na bala at motorsiklo na expired ang registration.
Isinailalim na sa ballistic cross-matching test ang nasamsam na baril kay Libres at ang mga narekober na basyo ng bala.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Bauan PNP habang iniintay ang resulta ng ballistic examination.