^

Probinsiya

Disbursing officer kritikal sa P1.7 M payroll robbery

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang disbursing officer matapos barilin ng mga armadong holdaper sa naganap na P.17 M payroll robbery sa Brgy. Centro, Masbate City kamakalawa ng umaga.

Patuloy na isinasalba sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Elieser Alfornon, 44 anyos, may asawa, disbursing officer sa munisipyo ng Claveria at naninirahan sa Brgy. Poblacion 1 sa kanilang bayan.

Sa ulat ng tanggapan ni  Chief Supt. Victor Deona, dakong alas-10 ng umaga habang lulan ng tricycle ang biktima patungong Masbate City Fish Port upang sumakay sana ng bangka patungong Claveria dala ang 1.7 M na pangsuweldo sa kanilang mga empleyado na winidraw nito sa Development Bank of the Phil. sa lungsod.

Kasalukuyang binabagtas ng tricycle ang kalsada patungo sa nasabing destinasyon ng bigla na lamang ang mga itong harangin  ng motorcycle riding in tandem  na lulan ng motorsiklong walang plaka.

Agad na pinagbabaril ng mga suspek na armado ng cal 9 MM ang biktima  saka biglang hinablot ang dala nitong bag na naglalaman ng mga dokumento at ng nasabing  pampasuweldo sa mga empleyado ng munisipyo ng Claveria. Nagsasagawa na ng imbestigasyon at hot pursuit operations ang pulisya laban sa mga suspek.

 

vuukle comment

BRGY

CHIEF SUPT

CLAVERIA

DEVELOPMENT BANK OF THE PHIL

ELIESER ALFORNON

MASBATE CITY

MASBATE CITY FISH PORT

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

VICTOR DEONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with