^

Probinsiya

Sunog sa Mt. Banahaw naapula na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit 24-oras, naapula na rin kahapon ang sunog sa Mt. Banahaw na puminsala sa 50 hektaryang kagubatan habang patuloy pa ring pinaghahanap ang anim na namamanata na miyembro ng religious group, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Dr. Henry Buzar ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakatulong ng malaki sa pag-apula sa  ang forest fire ang pagbuhos ng ulan noong Huwebes ng gabi.

Ang sunog sa Mt. Banahaw ay nag-umpisang sumiklab dakong alas-6 ng gabi noong Miyerkules  sa bayan ng Sariaya na hinihinalang mula sa naiwang nakasinding kandila ng ilang mamamanata na illegal na umakyat sa bundok.

Pinaniniwalaan namang naghiwalay ng direksyon ang anim pang pinaghahanap na deboto upang makaiwas sa pananagutan sa mga awtoridad.

Sa pinakauling ulat, 11-namamanata ang inabutan ng sunog sa bundok kung saan lima ang isinailalim na sa kustodya ng pulisya.

Kabilang naman sa anim pang pinaghahanap na namamanata ay ang 72-anyos na lolo na illegal na pumanhik sa nasabing bundok.

Nabatid na ang Mt. Ba­nahaw ay dating pi­nag­darausan ng mga ritwal ng iba’t ibang sekta ng relihiyon hanggang sa isara ito sa publiko upang ipreserba ang likas na yaman ng kagubatan noong 2004.

AYON

DR. HENRY BUZAR

HUWEBES

KABILANG

MATAPOS

MIYERKULES

MT. BA

MT. BANAHAW

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with