^

Probinsiya

Funeral processions bawal sa Angeles City

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines - – Inanunsyo kahapon ni Angeles City Mayor­ Edgardo Pamintuan ang bagong ordinansa na nagbabawal sa mga na­matayan ang walking funeral sa mga pangunahing kalsada patungong sementeryo.

Sa inaprobahang ordi­nansa ng konseho na pina­ngunahan ni Councilor Amos Rivera, chairman ng transportation committee, ang bagong kautusan ay epektibo kahapon.

“We sympathize with bereaved families, but it wouldn’t help if other motorist stalled in traffic curse instead of pray for the dead’ paliwanag ni Rivera

Ayon pa kay Rivera, papayagan lamang sa mga pangunahing kalsada ang mga may sasakyan para hindi makaabala sa trapiko.

Sakaling magpumilit ang mga namatayan ay maaaring gamitin ang minor roads patungong sementeryo, dagdag pa ni Rivera

Nakipag-ugnayan na ang komite ni Rivera sa lokal na sangay ng Department of Sicial Welfare and Development (DSWD) para sa libreng transporation sa mga maralitang pamilya na namatayan.

Kasunod nito, aprobado na rin ang bagong ordinansa mga operator ng trasyikel na mag-post sa kani-kanilang sasakyan kaugnay sa fixed rates na pamasahe na nag-aatas sa kanilang minimum na P25 kada kilometro per trip kung saan kahit na ilan ang sakay nito. “this will stop the exploitation of our tourist who are charged incredible rates by some tricycle drivers­,”  pahayag pa ni Rivera

Sinumang drayber na lalabag sa bagong ordinansa ay papatawan ng P1,000 multa. The Phil. Star News Service

ANGELES CITY MAYOR

AYON

COUNCILOR AMOS RIVERA

DEPARTMENT OF SICIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDGARDO PAMINTUAN

INANUNSYO

RIVERA

STAR NEWS SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with