NORTH COTABATO, Philippines - – Anim-katao ang naiulat na namatay habang 24 naman ang sugatan makaraang salpukin ng jeepney ang kasalubong na dumptruck sa national highway sa hangganan ng bayan Matalam at M’lang, North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang mga namatay na sina Guimela Taluwatan, 50, ng Cotabato City; Rebecca Litugan, 40, ng Kidapawan City; Taltawan Kungan, 60; Kadil Kahar, 13; Jurhanel Bansuan, 29, driver ng PUJ at si Jobaida Abdulwahab, 50.
Samantala, sugaÂtan naman naisugod sa pagamutan sina Kiya Momontoc, Sophia Usop, Gazona Mangkiang, Abdul Tihad, Norhanatita Mangkiang, Mohammad Mangkiang, Bailuna Mangkiang, Emmaddodin Abdulwahad, Nanding Naguia, Idiang Gusop, Jehar Samama, Zoraida Lumilis, Norhana Makalpin, Abdul Mimisalam, Nelson Kulicot, Haura Salipada, Eden Khadi, Kaisser Kolaw, Mohamiden Kolaw, Farida Madadting,Alea Edsa, Bailyn Abdulsalam, PAkil Lepi Usop, at si Dante Kadalima.
Ayon kay P/Chief Inps. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP, lulan ang mga biktima ng pampasaherong jeepney (MVJ-133) ni Juhanel Bansuan papuntang bayan ng Midsayap para dumalo sa kasalan ng kanilang kamag-anak nang makasalubong ang trahedya pagsapit nito sa hangganan ng Matalam at Mlang North Cotabato.
Bumangga ang jeepney na sinasabing di-gumana ang preno kaya sumalpok sa kasalubong na dumptruck (UAQ-844) na minamaneho ni Salahudin Baliwan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Dahil sa tindi ng banggaan ay dalawa agad ang namatay habang ang dalawa ay namatay sa ospital.
Naisugod naman ang mga sugatan sa ibat ibang pagamutan sa North Cotabato at Kidapawan City habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa driver ng jeepney.